Computerized na nga ang ating dekada
Kaya lahat tayo dapat matuto na
Pasalamat tayo trainors nag-abala
Ibahagi sa tin kaalaman nila.
Isang grupo sila mula sa Cavite
Matiyagang nagturo sa gurong estudyante
Kahit na minsan din ay natuturete
Sa nalikhang ingay ng gurong nangamote.
Lovable na lahat smiling face na lagi
Itong mga trainors lagi sa 'ming tabi
Di ka iiwanan kahit na sa ere
Tanging adhikain matuto ang estudyante.
Techniques sa computer iniisa-isa
Sinimulan sa bahagi na di na bago sa iba
Matiyagang itinuro computer na piyesa
Sa CPU, monitor, keyboard, at mouse pa.
CAVITE STATE UNIVERSITY napakapalad mo
May Liezl Montaron, Lydia Nosa ka at Danielito Escano
San man sukatin kakayahan na mga ito
Kakasiguro ang lahat sa itaas pa ng trono.
Tinatapat nila agad, mga estudyante
Sa kanilang batas, naman na depende
Sa tamang oras, laro'y hindi pwede
Pati palaabsent, tiyak masisisante.
REMEMBER US ang habilin, sa inyong paglisan
Sana'y maalala mga kakulitan
Ang mga nakitang hindi kagandahan
Iguhit manapa sa dalampasigan.
Ang ingay ng guro ninyong nasaksihan
Patunay na kami ay nasisiyahan
Sa mga bagong karanasa't kaalaman
Excited lang kaming iyo'y matutuhan.
Isaisahin man, buhangin sa dagat
Mga uri daw namin ay walang katulad
Sa mga trabaho mahirap mapuknat
Kapag nasiyahan oras sinasagad.
Nakakatuwa na, mga natutuhan
Yan po ay kayo ang tanging dahilan
Bagamat kami ay may kakulitan
Kami po ay inyo ng pagpapasensiyahan.
Oras na lumipas sa pinagsamahan
Sa bawat minuto ay may nakakamtan
Sa tuwing pipindutin computer sa harapan
Katumbas noo'y karagdagang kaalaman.
Rumihistro lahat, na tila powerpoint
Sa hungkag na diwa, kaalamang karampot
Sa tuwing magbubukas, monitor sa white board
Sa computer naming isip isa-isang narerecord.
Salita daw na paalam, sa hindi na magbabalik
Nguni't sa aming dibdib, pag-asa ang nakatitik
Harinawa sa paglisan, kalakip ang isang salik
Alaala ng samahang walang hanggan walang batik.
This poem was written by Ms. Charita Sadiwa, an English teacher of Bangbang National High School, Gasan, Marinduque, as a tribute to their CILC trainors.
Apr 16, 2008
A Poem Tells It All
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment